作詞 : Calix
作曲 : Serena D.C.
14 XERXES (feat. Fossils, Ninais)
Gumising ng maaga
Nilagayan mo na ng sobrang
Oras ang pagbyahe para di na mahuli
Hindi na maipit sa mga nag mamadali
Pagdating ng opisina hinihingal parin
Tatlong oras nilaan mo lang sa daan
Para bang may pasan na krus
at pakiramdam mo ay tatamaan
ng sakit
Kayod ka ng kayod para ba saan?
Nauubos lang naman sa mga bisyo
at luhong di ka sasamahan
Ni minsan ba naisip mong mag dahan dahan?
O pag isipan? Ano ba talaga ang patutunguhan
ng lahat ng to para bang isang malaking pag tatanghal
At ako ang payaso sa gitna ng entablado
pinapanood ng mundo
ang buhay kong bumubulusok pa impyerno
Unti-unting natutunaw ang kaluluwa
walang sasalba, walang sasalba
Sabi nila madaling mag bago pero parang hindi
Nakikita ko parin
ang sarili kong naka piring
sa realidad napapailing
Ano ba ang sagot sa aking hinaing?
Gusto ko lang naman tumakas.
[ KORO - NINAIS ]
Nalulunod sa gawain, nauuhaw sa hangarin
Ang ginhawa at saya, kailan ba mapapasakin
Namumuhay pa ba para sa sariling pangarap?
Kabuhayan nalang ba na tuparin ang sa iba?
Padadala nalamang ba sa agos ng nakasanayan?
Babangon, di aahon sapat na bang magsikap lamang?
[ FOSSILS ]
Kumakayod sa wala nakagapos di makawala
Parang presong may parusang kamatayan
Nagbibilang ng oras, nag hgihintay ng bukas
Tinitiis, walang katuturang laban
Kung sino-sinong sinasagasaan
Nag-papabango ng pangalan
Para sa perang di mo naman madadala sa
iyong hantungan
Nag-hihilahan, humahalik sa paa ng dayuhan
Hinahayaan ang kasinungalingan
Nag bubulagan sa katotohanan
Pina-paikot ang sarili, nag-lolokohan
Lahat ba ito may patutunguhan?