作詞 : Aristotle Pollisco
作曲 : Aristotle Pollisco
Kay tagal ko nang dalangin
mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay mag kakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nag daan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi ma patid ay mag titiis
Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga ala ala
Nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko
Bitawan mo
Huwag umalis ang sinasabi
Lahat ay gusto mong mabawi
Mga nadaramy nahati
Kilala mo pa ba ako
Sa Ala ala nakatali
Salita na sari sari
Na galing sayong mga labi
Patalim na itinarak mo
Sa huling pagkakataon ikaw parin ang rason
Kung bakit ba ako nasa alapaap ngayon
Andami dami kong,gusto na itanong
Pero kung nandito nako balewala nadin ang yong tugon
Mangyari ituon nalang ang pansin
Mga sumbat na huling maririnig na mula sa akin
Di pa man ako nawawala bakit ba ambilis mo agad tanggapin,
Nawalan ng pag asa ba masalba! Bagay na gustong gusto kong sagipin
Yun nalang naman ang dahilan kung bat pako nabubuhay
Sa mundo ko ay kumukulay! Ikaw na gusto ko sanang makasama ko
Hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatid mo ko dun sa, dapat ko na higaang hukay,
Kinulang bako o lumabis sa paglalambing eh bakit naumay?
Yan lang ang katanungan kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras sakin sa liwanag, sumalubong
Pero malamang kung, nais mong tulungan ako
Makabangon Ikaw ay nandirito
Twing mapapatalon ako sa saya o lungkot
Ikaw ang dahilan nito
Hangin sakin pisngi ay kay sarap
Kahit mga halik moy nag panggap
Haba ng byahe koy patapos na
Bumilang ka ng segundong lima
Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga ala ala
Nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko
Bitawan mo